Circa 80’s-90’s-2K = )
Friday, October 7th, 2005O mga tsong at tsang, pagpasensyahan nyo na ha. Ganado akong magsulat ng isang nobela. Mukhang mahaba-habang babasahin ‘to. Magpapaka-pinoy din muna ako ngayon. Na-inspired kasi akong lumikha ng isang komposisyong hango sa sarili kong karanasan. Sisimulan ko nung bata pa ko, hanggang sa pagtungtong sa kolehiyo’t maka-graduate. Naku!, pati narin ata yung pinaka-aabangang kong araw, yung pagbigkas ko ng " I Do " sa harap ng altar, yahoo, yahoo!!! = )
Naaalala ko nung ako’y musmos pa, mahilig akong makipaglaro sa aking kapatid na lalaki ng bahay-bahayan. Sya yung gwardya, at ako naman ang reyna. ‘Wag na kayo humirit, kwento ko ‘to eh! Yung mga antigo naming upuan pinagkukuha namin sa kusina. Magbubuo kasi kami ng aming munting palasyo na may veranda kuno, na syang gina-gwardyahan ng kuya ko kung may ‘ kalaban ‘ kunwari na paparating. At dito maririnig ko na mama namin na sumisigaw na isauli na mga upuan sa kusina para maka-upo na lahat at magsipag kainan na! Ngunit matitigas ang aming mga ulo. Pasaway talaga kasi, anong magagawa nyo? Ayun… napalo tuloy kami sa aming mga puwetan, at kaliwa’t kanang kurot sa aming mga tenga, pambihirang tsakit, araaay!
Kinabukasan, may dala-dala kaming mga krayola sa aming mga kamay. Haha!… masaya
kaming nagdo-drawing sa pader. Para kaming mga retarded dahil sa walang humpay sa paghataw ng pagkulay ng berde sa bundok, dilaw sa araw na may ngiting ipinapamalas, asul sa matatabang mga ulap, at pula para sa mga naghihinugang mga bungang mansanas, tsalap!
Ayan napo aming mama, may dalang tsinelas, at may biling " linisin ang mga pader!!! " kundi alang meriendang hotdog at maling sa pandesal. Abay, ayoko atang magutom noh! Pero sa kakulitan ko talaga, umabot sya ng isang linggong puro pagguguhit sa aming puting pader. Nangdamay pa nga ako ng mga pintuang kahoy noh! Sa kabwisitan nila, bingyan nila ako ng cartolina na may samu’t saring mga kulay para doon ko ipamalas natatangi kong talento, ang mag " Vandal " hehe… pero nung lumaon, blackboard na maliit ang kanilang ipinalit para isang burahan nalang at di magastos sa pagbili ng papel at krayola. Chalk nalang katapat ko, harhar!!!
Eh yung muntikan ko nang malunok na isang pirasong lego dahil sa ako’y ginulat mula sa likod ng kuya ko. Ay dyus meh! Kundi sa hospital labas ko nun! Buti nalang nabuga ko sya agad. Pero sa usapang tinik naman, mukhang madalas akong makalunok dahil naaalala ko pa na dinala ako as emergency sa dentista sa San Juan kung saan labindalawang taon kami namalagi don, at suki nakong binubunutan ng tinik! Take note… di ng ngipin, kundi ng tinik mula sa bangus, haaaay!!!
Tapos walang kasawaang pag-wrestling naming magkapatid dahil sa nagpa-impluwensya kami sa isang sikat na palabas, ung WWF. Pinipilit naming gayahin ang the "Bush Whackers". Pati ang pag-volt in ng Voltes Five, yun nga lang, dalawa lang kami ng kuya ko kaya ‘ Volt-Two ‘ nalang po. Alam nyo kung ano binubunggo namin? Mga karton na nakabalandrang pataas. Hahatawan namin yun para magsitalsikan sila, haha!
Eh yung pagbutas sa gitna ng pwetan ng yakult para maisuksok namin yung napakahabang sinulid. Gagawin naming telepono na parang overseas call mula sa taas ng kwarto ni kuya yun hanggang sa sala namin. Effective siya in fairness, yun nga lang, pag medyo tumagal-tagal na mga plastik ng yakult, di na masyadong mapapakinabangan dahil sa masangsang na amoy na parang bulok na gatas sa looban ng yakult. O sige na nga po, di ko na masyadong ikukwento pa yun.
Tuwing hapon naman, pagkatapos naming panoorin ang ‘ Yagit ‘ hanggang sa Valiente’t Agila na mga pinapalabas, kami’y pinapaakyat upang matulog sa kung ano mang rason, dahil utos ng aming magulang. Kahit di pako inaantok, pinipilit ko nalang ipikit ang mga mata ko sa hapon. Ginagawa ko na nga lang eh magbilang ng mga tupang lumulundag sa bawat tupang kanyang madaanan. Epektibo nga ba? Ewan, basta nakakapagod din mag-isip kaya ako’y inantok na nga!
Minsan naman, sumasama ako sa mga kalaro ng aking kuya sa paghuli ng mga gagamba tuwing maglalabasan na sila sa iskul. Ilalaban na nila mga huli nilang gagamba. Minsan nga eh nagkakapustahan pa! Malay ko ba dyan, basta ako nakikinood lang, ‘wag lang nila ingud-ngod sa pagmumukha ko kundi uumbagin ko sila! Wala naman nagtangka, hehe.
Naku, nami-mis ko din ang pagbili palagi ng lobong makukulay na parang mga marble, at barquillos na syang sinasadya pa naming magkapatid na bugahan ang isa’t isa pag nagsasalita, at ang pagbili ng mga kinulayang ibon na nakakaawa kung tutuusin, pero pumapatok sa aming mga bata dahil amin paring tinatangkilik. Wawa naman = (
Pag Brown-Out naman, nakahanda na ang mga kandila’t nagtutulakan kami kung sino mauunang umakyat sa madilim na kwarto upang kunin ang flashlight. Tapos biglaang magtatakbuhan pababa na para bagang may nakitang mga mumu sa dilim! Pagkatapos, nakalinya na mga langgam’t langaw dahil amin na silang itutosta. Ang baho ng amoy promisssh! Ay, nagawa nyo rin bang gupitin ang antenna o sungay ng mga ipis? Ako
madalas kong gawin yun! Lalo na may gunting kaming napakalaki dahil sa bahay kasi
namin dati sa San Juan may patahian, kaya nagkalat ang mga gunting, Bwahahahahaha!!!
Nung nasa gradeschool na kami, may kanya-kanya kaming alaga. Kay kuya yung pinakamamahal nyang payat na pusang pinangalanan naming " Prutitat " na palagi nyang katabi sa higaan, at ang aso ko namang si " Quino ", hango sa pangulong nakaluklok ng mga panahong iyon na si Cory Aquino. Ngunit di rin nagtagal, eh lumanding kami sa pag-aalaga ng pagong, dahil di na kailangang masyadong tutukan. Minsan nga kahit ipis kinakain nila. Pati kamo daliri ko sa sobrang gutom nila, kakagatin din nila. katakot, parang mga carnivores. Pero ayun… Lumalaki pa sila kahit pabayaan mo ha!
Nagka-itim narin akong pusa na pinakamamahal ko, kaso na-dedok dahil nasagasaan ng mga service sa Don Bosco ( Mga hinayupak sila!!! ) na kalapit lang ng bahay namin dito sa
Sta. Mesa. Nagkaroon din kami ng mga alagang ‘ Guinea Pigs ‘ kung saan cute na cute po silang mga daga na walang buntot. Kangkong lang at Keyrots kanilang katapat, at mananahimik na ang kanilang napaka-tining na mga iyak = ) eeeeeeeeeek…
Nung highschool, medyo nawawala na ata yung pagti-tiz ng buhok sa mga babae. Kasi unti-unti naring nalulugi ang hairspray na AquaNet. Masama daw kasi sa ozone, at ang tapang ng amoy my goodness. Pinagbabawal na syang gamitin. Pero sa mga kalalakihan, on-going parin ang Michael’s beauty products tulad ng gel. Pink nga yung paborito ko doon, syempre babae ako noh! Pero wala namang pinagkaiba mga yun actually. Ang labo diba?
Ah yeah! Megamall pa hit na hit nun! Kanta palang ni Andrew E. eh yun na bukang bibig ko pag ako’y sasakay na ng sitak at sasabihing, paki baba nalang po ako sa ‘ Gamol ‘, abaaay… napaka-dyologs ko ano? Haha, bigla kong naalala na nagkanda ligaw-ligaw kaming magbabarkada sa kakahanap ng GiftGate nun. Putcha! eh sa laki ba naman ng Megamall, ewan ko nalang kundi manakit mga paa nyo sa ka-kalakad doon. Shopping haven na sya kung tutuusin. Feeling nga namin dati ang ganda’t laki na ng Megamall. Ay sus! Hanggang sa magsulputan na mga iba’t ibang malls tulad ng SM Manila , Robinson’s Galleria, Ever Gotesco, Manuela, Glorietta at Greenbelt. Pangmasa na ang Gamol na Megamall!
Nasabi ko rin bang nasa uso ka kung ika’y may Windbreaker? Yung napaka-kapal na may hood na detachable. May iba’t ibang kulay din sya, pero ganun pa man, nalaos din sya, pero swak parin ang kanyang silbi kontra sa lamig ng klima kapag tag-ulan at sa loob ng opisina. Sa akin nga nabili ko pa sa Monakiki… may mona ka na, may damit ka pa!
Papalaos narin ang high-waist pants, at umi-in na ang pag-tucked ng blouse o polo shirt.
Salamat sa " Ang T.V. " at ang dami nilang pinausong mga kasuotan. Matunog din ang pagsabi ng " Ang T.V. na"! Dahil sa bangs ni Jolina, legs na makinis ni Angelou de Leon, kagwapuhang-potensyal ni Patrick Garcia, ang skinny-high pitched na si Rica Peralejo’t without the silicon pa, patpating Victor Neri at ang short-haired na si Jan Marini ay ilan
sa mga pinasikat ng palabas. " Oh highschool days nga naman " ang tsalap ng feeling.
Pero syempre, wala paring tatalo sa orig na ‘ That’s Entertainment ‘. Favorite ko yung Sat.
Group kasi kumpleto silang lahat na naglalabanan para sa cash prize na isang libo. O diba!
Malaki na ang papremyo ni Ate Germs. Hinihintay ko nga palagi si Bunny Paras sumayaw
nun with the ‘ Universal Motion Dancers ‘ pa nun. Ang kinaiinisan ko naman si Ruffa Gutierrez
na pinipilit palagi ni Germs pakantahin kahit saksakan ng sablay!!! Buti nalang binabawian
ni Ana Roces na pagkantang… " Play a whisper on my pillow… " Ayuz!
College ko naman wala namang masyadong pinagkaiba. Bukod sa all-girls school ulit magmula kinder hanggang college, eh may thrill pa ba kapag puro babae na naman makikita’t makikisalamuha ko hmmm??? Ala na naman akong pagkakataong magkaroon ng acquaintance with the guys, kundi outside nalang, haaay… = ( Ayun, paCenter-Centerpoint nalang kung alang prof. at manonood ng ‘ While u wer Sleeping ‘, si Sandra Bullock pa nga crush ng mga kalalakihan dati kahit plat tsestid, hehe. Habang kami naman pinapagpanta-
syahan namin sina Keanu Reeves at Brad Pitt pa nun. Sorry nalang kay Tom Cruise at nung highschool ko pa sya napag-sawaan kasabay ni Vanilla Ice! Kabaduyan talaga, yuck!!!
Malimit tumambay sa Mendiola, lalo na sa Corona para bumili ng mga school supplies. Dito nagka-ubus-ubos baon ko sa ka-kakolekta ng mga korean-taiwanese stationaries. Bente ang isa, patay! Sampu ang binili ko. Ayuuun… more than 1,000 na mga nakolekta ko sa ngayon. Nasa loob lang naman sila ng maleta sa kwarto ko. Wala lang… diko ginagamit.
Por speysyel okeysyun lamang po sya. Stickers and bookmarks sa Merriam and Webster’s kinareer ko na rin.
Roundtrip palagi pag uwian blues na mula Mendiola papuntang Quiapo, tapos biyaheng Pasig naman. Pero bumababa nako sa Stop n’ Shop para bumisita ng saglit sa tindahan namin sa Altura, Sta. Mesa. Tapos muling sasakay ng jip biyaheng Kalentong, pero papara nako sa dating NCBA, dahil doon nako malapit sa bahay namin. Apat na taong paulit-ulit na daanan. Kabisado ko na kahit minsan nakatulog nako sa loob ng jip sa tagal ng trafik, at pag-gising, presto! Mendiola na. Perwisyo sa oras talaga oh!
Fishball, kikiam, squidballs, qwek-qwek, fried gizzard, salted peanuts mga pantawid gutom bago umuwi. Aabutin minsan ng gabi dahil sa photography class, kaya minabuting may manguya man lang kahit konti. Sa kahabaan naman ng Recto kami nagpapaBook-Bind at nagpagawa ng name/school tagpins. Maaasahan ang Recto sa anumang ka-ilegalan, este sa mga maabilidad na mga gawain.
Si Piolo nga pala bumisita nung annual fair sa aming school. Mga kolehiyala nagsipagtilian, parang kala mo ngayon lang nakakita ng lalaki o! Teka may sorethroat ata ako nun kinabukasan, hehe…nakisigaw din kasi ako eh. Di naman ako nakita, pambihira naman!!! Ang puti’t kinis kc ni fafa Piolo.
Mga mayayaman sa amin naka-Honda V-tek. Sobrang cool ng feeling nila, dahil bagung-bagong model na nilabas nun ng Honda. Apple Green pa nga doon sa isang mayabang sa coed school na diko na babanggitin. Bayaan mo na, ang fanget nya kasi kaya kelangan para maka-dekwat ng chicks sa iba. Nasabi ko rin bang si Dingdong Dantes na dating abstract dancer eh nagsisimula naring rumampa sa labas ng Beda? Hawig nga nya si Leonardo de Caprio. Mukha namang mabait. Si Gary Estrada din nakikita ko dati, pero nagstop na raw tsismis ng prof namin. Tinamad na kasi at puro pagpapa-cute daw ginagawa sa klase, tsk…tsk…tsk…
Long hair nako nung 2nd yr. college, pero ang hirap panatilihin ang pagkulay light brown sa buhok. Ayoko kasi ng plain na itim lang eh. You know… maarte kasi me. Kaso naging dry and dull hair ko. Ayoko na, suko nako. Pagupit ulit ako ng one-length. Pagkatapos nung paggupit sabay bili ako ng isang case ng Q-shandy sa mall. Mukhang lumaki ata tyan ko sa kakainom ng shandy 3 times a day! Lychee flavor ha. Burp…..
Boybands sobrang patay na patay ako sa mga yun! Lalo na Boyzone, si Shane Lynch, putcha!!! Trip na trip ko. Kaso Black-British girl po yung pinakasalan. O sya, exotic daw ang gusto. Eh di mag-Spice Girls nalang tayo. Lalo na si Sporty Spice favorite ko yun! Kaso napagkamalang daw mga bakla, tulad nalamang ni Nick Carter, inakusahang tibo, dahil ayaw maghubad ng pantaas habang naliligo’t sumasayaw sa ulan. Kahit na! Memorize ko parin mga kanta nila ha! Isabay nyo narin mga bands like Take That, Damage, N’ Sync, Cranberries, Oasis, Gin Blossoms, 98 Degrees, Savage Garden, Hansons… mmmbop! Cardigans, at ang dami pa… Asus! Salamat sa MTV, lalong lumalim eyebags ko sa kakasubaybay ng mga paborito kong mtv ng boybands ng buhay ko. = )
O eto na, papa-graduate nako. Sayang! Cumlaude man lang sana, kaso ganun talaga ang buhay, di pwede lahat sayo. Di bale, may Abueva Plaque naman. Thank You PLDT. Nanalo sa iba’t ibang painting competitions, sa awa ng Diyos, salamat. Oki na yun, kaso ala nakong ala-ala sa mga nagawa ko. Pictures nalang. Sabi ni mama gawa ulit ako, kaso nakakatamad eh, dami kong mga kaek-ekan na arts and crafts na ginagawa. Very special at di nako mauulit pa mga pinaggagawa ko. Hanggang ala-ala nalang sila. Para ala kopya diba, astig!!!
Ang init ng summer, bilad dito, sunburn sa mukha, namumulang mga balat… pero di po ako nag-eenjoy sa Boracay o Puerto Galera mga p’re! Eto po’y epekto ng paghahanap ng trabaho pagkatapos maka- graduate. Grabeh pagpa-pacute ko sa mga boss ha. Nakakapagod mag-smile palagi kahit di ka na natutuwa sa kanila. Syempre maliit muna sweldo, pero ano ngayon? Eh ala namang gustong kumuha sayo na magbibigay agad ng mataas na sahod na ala ka pang-experience sa field mo diba? Buti nalang kamo, i’m in a very good place at the right time. May opening sa Imagine Asia. Tara apply! Trainee kumukuha sila. Ang tsarap ng feeling ng magkatrabaho. Unang sahod ko, treat ko parents ko sa Pizza Hut. Tapos panood-nood ng sine at kung feel kong magpakaluho… eh di Enchanted Kingdom naman.
Bagong mga damit, masasarap na mga pagkain’t nagdadamihang koleksyon na mga laruan. Abaaay teka!!! Parang kulang ata? Masaya ba lovelife ko hmmm??? Sabi nila di daw nasusukat sa pagkakaroon ng boypren para lubusang maging maligaya ang isang babae. Korek ka dyan! Pero ang lungkot namang isipin na tatanda akong walang kasama sa buhay. Napaka-ironic naman, kung ang mga magulang ko sa edad ng 18-19 nasa sinapupunan na
nila kami, tapos si ako naman sa edad na bente singko ala pang boypren… panis ako! O ala lang magkamali talaga? Hu… hu… hu…
Baka nagsasawa na kayong magbasa sa blogster ko? Soooobrang haba na noh? O sige na nga, eh kung sabihin kong ikakasal nako? Itutuloy nyo pa bang basahin? Abaaay… Kelan kamo? Secret!!! Saan? At ba’t ko sasabihin? Papakita ko nalang mga pictures pagkatapos ng kasal ko. Ang sarap ng maghanap at mag-design ng sarili mong bridal gown. Kakaibang feeling. Total backless kaya ako? Hmmmm… why not? Motiff ko PURPLE ‘wag nyo ng tanungin. Basahin nyo nalang isa kong komposisyon tungkol sa PURPLE. Ako na yun period! Sa kasal ko, nakakapagod man pero ubod ng saya ang magprepare at magplano. Ang haba siguro ng buhok ko noh? Syempre naman! Pero sa totoo lang, excited nakong magsabi ng " I Do " sa lalaking alam kong magmamahal sa akin hanggang sa dulo ng walang hanggan. Naka naman! Isang beer nga dyan!
By da way highway… sa Imagine Asia ko nga pala natagpuan si Amomenous ng buhay ko.
Putcha! Nabihag nya puso ko sa isang tulang nakaka-praning dahil ecep kami ng ecep kung
sino lumikha ng pambihirang tula. Ay sya nga pala, attorney by day, doctor by night naman
po sya pag kami’y nasa opisina nun. May American Flag na nakasabit sa dingding nya, at
may Jolina altar pa sya! Eh yung WoboCop na minodel nya sa Softimage? Naaalala ko pa talaga. Di ko inakalang sya ang kapares ng buhay ko. Tama na nga, nababaduyan nako nito.
Sa uultin nalang.
Bow! = )