Si ako sa ngayong buwan…
Tuesday, December 6th, 2005Magandang Umaga! Or kung mababasa nyo ‘to sa hapon o gabi…eh di Magandang Araw at Gabi! = )
Eh bakit kamo maganda? Wala lang, kasi pag-gising ko ang tsarap ng feeling. Ang lamig, grrrrrrrrr…pano kasi, lapit na ng pasko. 18 days to go and Christmas na. Abay teka, ala pa pala akong regalo para sa magulang ko, pati na kay kuya at sa kanyang misis, at lalo na sa aking pinaka-groovy na pamangkin si TaYanYanis. Syempre bibigyan ko din mga kasam-bahay namin na walang sawa sa pag-aasikaso ng mga gawain sa bahay.
Balik tayo sa maganda. Panong di gaganda araw ko, eh anlapit ng magbigayan ng 13th month pay. Pero nagkakamali kayo. Di ako yung tipong tao na uubusin ang biyaya at bukas ala ng pera. Sa simula palang ako’y magkatrabaho, diretsong bangko mga naiipon ko. Pero madalas ako’y nagbibigay sa magulang ko. Opo mga kapatid, isa po akong huwarang anak. Ngunit di rin naman ako perpekto, nagkakamali din po. Pero pagdating sa tulungan, kusa ‘tong babaeng ‘to!
Kumikilos agad para mailaan ko ang oras ko sa pinakamamahal kong pamilya.
Sa pagpasok ko sa banyo para maligo, nakadama ako ako ng isang panginginig. Sino ba namang di manginginig sa lamig ng klima natin ngayon. Di dahil nasa likod ko ang aircon dito sa opis kaya ko nasasabing malamig ang peeling, kundi talagang sadyang Disyembre na, at simoy pasko. Yahoo!!!
Naku, 3day sale sa TIMEX. Kalapit naming bldg. kasi nagpapaubos na ng mga stocks kaya minabuti nilang i-sale. Ayun mga ofismates ko nagsipagpuntahan. Mas lamang ang mga bumili. May mga nakabili ng tatlo, may lima, may walo pa nga. Ay may pumakyaw din pala! Pano ba naman, ang dating 3,000 na relo eh naging 1,500 nalang! Meron pa ngang 350-250 na mga sporty, casual watches, Astig! Ayus na pangregalo sa mga minamahal, kaso ansaklap ng nangyari sa akin.
Nilapag ko lang yung relo, biglang may kumuha na! Pambihira naman! Di ko tuloy alam kung para sa akin nga ba yun, pero natuwa din ako deep inside dahil anganda pala ng taste ko sa Men’s watches, yun nga lang umalis akong walang bitbit. Siguro sa dept.store na nga lang ako bibili ng mga pamasko.
Eto ngayon naghihintay nalang ng uwian, kahit 1:00 ng hapon, hihintayin ko pa ang limang oras bago kami mag-uwian. Ala narin naman kasi akong ginawa…hmmmm…pansamantala lang
naman. Di ba kaya dahil sa malapit na kaming magbakasyon kaya papetiks-petiks nalang ako? Or sadyang nakakatamad lang ang malamig na klima at ang simoy ng pasko? Pero para sa akin,
maganda parin ang araw kong eto kahit ala masyadong mahalagang kaganapang nangyari. Natutuwa lang talaga ako dahil kapag Disyembre, eto ang buwan halos lahat ng problema ng
mga ordinaryong taong tulad ko ay panandaliang naisasantabi. Dulot narin kasi nito ang pagkita sa mga nagdadamihang mga dekorasyon at mga palamuting ilaw sa mga malls at iba pang sari-saring mga establisyimento. Ang sarap din kasi ng feeling na makipagsisikan at mamili ng rush sa mga tiangge kung saan ang mga tao’y parang langgam na nagsipaglabasan sa kanilang mga lungga. Ang sarap nilang pagmasdang pumakyaw ng mga bilihing pangtinda at pangregalo narin.
At pagtapos na ang Pasko, at ubos narin ang pera, tayo’y mananalangin na sana’y maganda ang takbo at hatid ng bagong taon sa atin. Kaya lang iba ng kwento yun para sa akin. Kaya hanggang dito nalang, at muli ko na namang sasabihing…Magandang Umaga, sa Disyembreng pantawid kaligayahan sa naghihirap na Pilipinas.
Baw-Ciao!