Archive for November, 2006

Ang Pagbabalik ko!

Saturday, November 25th, 2006

Ang Pagbabalik

Helleeeeeer!!! I’m sooo back. Grabeh ha! Antagal bago me nag-BLOG ulit. Eh pano ba naman, andami kong inasikaso, tinapos, at eto… okay sa alryt napo. Ay naku, eto na naman me, kukwentuhan ko kayo ng kung anu-ano lang. Tipong “Wala nga lang”. Yung bang, ‘Musta na kayo?’ ‘How’s life?’ Eh kasi, halos isang taon din akong di nakapagsulat ha!

‘Lam nyo na bang kinasal nako? At magWa-One year anniv na kami ng hubby ko sa Jan.28. Na lumipat narin me ng bahay. At biglang dumami kamag-anak ko, courtesy of Edsel’s family, heheh! Abay syempre, ‘MA at PA’ nyo diba! Care nyo kung iisipin. Kaso BLOG ko ‘to, kaya I have my right to shine, go, go, go me girl!

Magpapaka-senti lang muna ako ngayon ng konti. Kasi ba naman nami-miss ko yung childhood days ko. Iba kasi talaga nung bata pa tayo. Ala masyadong problema. Simpleng buhay ang umiinog sa pang araw-araw kong mundo. Palaru-laro. Kain dito, nood ng t.v., at pag napagod, tulog ng saglit. At kung ayaw pang matulog, ayun…tatakutin pako ni Papa.

Teka? Ano na nga ba kinatatakutan ko ngayon? Bukod nung sumapit ang Undas, kung saan bawat channel sa t.v. ay may ipinalabas na mga kababalaghan. Yung bang di ka patutulugin ng mahimbing sa gabi. Mga katatakutan na talaga namang swak na swak sa mga Pinoy.

Ako nga paborito ko since bata pako, yung MGB ‘Halloween Special’. Kahit ngayon pinanood ko pa sya. Kasi naman di mawawala sina ‘White Lady’ at yung mga scary elemental stuff na magpapatindig balahibo satin. Siguro nga sawang-sawa na ‘tong mga mumu na pagusapan natin sila. Bagkus ‘Tantanan nyo na kami parang awa nyo na’ sambit nila, haha!!!

Eh ba’t nga ba sa states ala ng ganire? ‘Onli in da Pelepins’ lang ‘to mga tsong. Ang sa kanila kasi sosyal na sosyal. Yung bang sina Franki or Frankenstein, Count Dracula or plain Dracula, hehe…( I remembered my favorite char. sa Sesame Str.), Werewolf, Mummies, Zombies, and Aliens. Hmmm…meron pa ngang mga sea or mystical creatures sila eh. Ay teka, baka yung chars.sa Shaider na naiisip ko. Yung mga kampon ni Fuma Lai-ar?

Okay…change topic. Yung masya nalang. Jump tayo sa Christmas agad. Diko nga maintindihan ba’t ang haba ng celebrasyon ng pasko natin dito sa Pinas? Dahil bang likas na masayahin ang mga pinoy at feel na feel na nila ang ‘Spirit of Christmas’ pagpasok palang ng ‘BER’ months??? Pero infairness, enjoy naman. Pano kasi sa commercials palang sa t.v. puro pang pasko na. Puro mga pa-raffle draw na talaga naman mangangarap ka n asana ika’y manalo.

Kung sa bagay, nakakahawa talaga ang mag-Christmas Shopping ng maaga. October palang nasa Divisoria na nga ako eh. Ang ‘haven of all goodies’. Kahit nga ala sa listahan ko, binibili ko narin kasi nae-excite ako pagmadami nakikita ko. And besides, mas mabuti nang maaga para iwas sa mga tao. Ayoko pa naming maulit yung dati. Yung nakisabay akong mamili nung mismong Disyembre ha. Isinusumpa ko yung araw na yun!!! Yung makikipagsisikan ka sa mga bebot, na nakikipagtulakan din sayo, nakikipagsikuhan, tapakan ng paa, taasan ng kilay…abay may nagpaparinig pa nga eh. Buti nalang mataba sya at diko sya kayang tapatan, dahil ako’y kanyang uupuan. Pero ingat kayo mga repapips sa mga magnanakaw, at shoplifters. Ang gagaling ng kanilang mga kamay sa pagkuha ng pera, hanep!

Ayan, how many days to go nalang??? Count down, 30, 29, 28, 27, 26, 25 days to go and on and on, and on. Lapit ng mag year 2007. Haaay…ilang taon naba ako? Pasok pa mga sis sa kalendaryo noh! Kayo nga pala? Anong New Years resolution ninyo? Kung ako tatanungin ninyo? Abay, “Peace and Unity all over the world”. Charinnnnnng!!! Ano ako pulitiko! Ay sensya na. Di ko naman nilalahat. Eh father-in-law ko kaya politician. Well, we really can’t blame ourselves for generalizing ‘em all. Kahit nga pulis tawag ko sa kanila ‘Pulis Patola’, kahit na ang iba’y malinis ang track record. Eh kasi sa akin pare-parehas lang. Oh what the heck…taklesa lang talaga ako!

Di seriously speaking ( Oh serious na ha ), Lamig na ng simoy ng hangin. Sa madaling umaga at pagising natin at yung pag naglalakad na pauwi ng bahay, ramdam na ramdam ko na ung ‘cool breeze’. Tuloy ang tsarap ng may niyayakap. Tulad nitong unan ko na kanina ko pa nalalamog sa kakayakap, at stuff toy din na sarap haplusin ang mala-towel texture nyang balat. Pero alam nyo, mas masarap yakapin yung may emosyon. Yung ibabalik din sayo ang nararapat na affection. Syempre ala nang makatatalo pa sa yakap at pagmamahal na ibinabalik ng ating kabiyak. Ang ating ‘Significant Other’ sa buhay natin. Awwwww… how tweet.

‘Till next BLOG mga kafatid. Hmmm… ano na kaya bibigyan ko ng opinion? Yung kay Pacquiao kaya? Yung pagagawan daw sya ng monumento kasi sya raw ang itinuturing na “The people’s champ”. Sa tingin nyo ba, sapat na bang dahilan yun para gawan sya ng isang monumento, kahit buhay pa sya? Pano nalang ang mga nagpaka-martyr sa bayan nung Martial Law? Eh yung mga OFW na pilit nilalabanan ang lungkot at hirap sa ibang bansa, kumita lamang at maitaguyod ang pamilya sa kahirapan sa Pilipinas? Eh yung mga nagsipag-alsa nung panahon ng Kastila at Hapon, yung mga taong involved sa pagkatamasa natin ng kalayaan ngayon, pano nalamang sila? Hanggang textbook nalang kaya sila? Tsk…tsk…tsk… Wawa naman. That’s life ika nila. Ewan ko at bakit nagkaganito ang masang Pilipino. Konting patikim ng tagumpay, eh talagang seize the day para sa kanilang ini-idolo. Siguro yung iba tumataas na kilay sa akin, at ba’t si Pacquiao na nanalo na nga, ino-okray ko pa. Eh kesa naman kayo laitin ko, eh di yung mga taong di naman makababasa ng aking BLOG. Sa tingin nyo may panahon pa sakin si ‘Pacman’??? I don’t think shoooooo…. Hmmm, Ganito na ba talaga tayo ka-desperado? Konting entertainment, nawawala na ang gutom at kirot ng tiyan.

For short, Third world country parin tayo. Baw!