Cirque de Soleil Eleksyonis
Saturday, April 14th, 2007Circus de Soleil Eleksyon
Ako’y nagising sa maingay na prusisyon,
Animo’y parang piestang pinagkakaguluhan ng mga tao.
May nagsisigawan, nagkakantahan, isang masayang okasyon,
Aba’y eleksyon na nga pala, panahon para amuhin tayo!
Nakakatuwang pakinggang mga kantang kanilang pinasadya,
Mga adhikain at misyon daw kanilang gustong maipatupad;
Kanilang isasakatuparan at di maba-baliwala,
Sa anumang oras sila’y maibalik sa pwestong kanilang hinahangad.
Eh teka? Ba’t di nyo ginawa dati pa!
Mga programang kay gandang pakinggan sa tenga?
Kay tamis nyo kami suyuin,
Ngunit baka pagnakaupo kami’y lukohin.
May ‘Boom..tarat…tarat…’at ‘Itak-tak-mo’ akong naririnig,
Meron ding ‘
Tara Let’s…’ at ‘Sugod…mga kapatid.’
Mga kantang pinasikat ngayon, kanilang pang-akit.
Ako’y nagsasasawa na; minsan nga nakakabuwisit!
Di na talaga mababago sistema ng pulitika sa ating bansa.
Mistulang pinagkaka-kitaan tuwing pagsapit ng eleksyon.
Pangsu-solicit kay daming naglipana,
Pag di napagbigyan, galit pa sayo…ay sus meh, kunsumisyon!!!
Bukod sa dumi at gastos na dala din ng eleksyon,
Walang rin pakundangan silang magdikit at magtapal ng mga materyales.
Kawawang poste, pader, gate, pati puno walang exemption!
Mga poster na kanilang idinidikit, paggabi aking pinupunit, sabay walis.
O ayan ang inggay na naman, todo megaphone si manong sa labas,
Nakaka-awang makitang nagtiya-tiyagang mag-ikot sa init maghapon.
Hmmm…di rin! Pera ng taong bayan yang pinangbabayad…winawaldas!
Kapatid na ata ni Mayor, Congressman, Gobernador, Senador ang kurapsyon.
Sige hala-bira, kumakanta, sumasayaw, nagpapatawa, nang-aamo,
Mukha kayong mga engot, senglot, gago’t payaso.
may mga sexy starlet pa nga at mga artistang kinumbidado,
ayun si manong pulitiko nagcha-cha-cha…di pa nakuntento!
Eeewe…ang tatanda nyo na, mahiya naman kayo sa mga apo nyo!
Oh well, what the hell! Ang tanging magandang ala-ala,
Nakatanim nung ako’y bata pa…
Eh nung mamatay si Benigno Aquino,
At ng magka-Edsa Revolution sa mundo;
Feeling ko tuloy-tuloy na ‘to!
Ang pagbabago sa wakas makakamtan,
Ay letse! Di rin pala, pinaasa lang ako at nasaktan.
Sana …kung di napatay si Tito Magellan ni Lapu-Lapu,
Baka tayo’s sfeaking espanyol, ola…chika di amigo,
World class beauty ka-level sina Ms.Venezuela o
Peru ,
Kasi malapit na Miss Universe ipalabas, Ay wait ang labo ko!
Next issue pls!