Ang aking Paborito!
Si Paborito
O kay saya kung ikaw ay kasama,
Anong sarap ng feeling pag ikaw ay pinapasa.
Hatid mo ay ligaya, at masasayang ala-ala,
Ikaw ang nagbibigay sa akin ng sigla.
Minsan nga pag malungkot, siya aking hinahanap,
Mistulang unan na aking yakap-yakap.
Parang ako’y high na high, na naka-apak sa alapaap,
‘Indescribable Feeling’ siyang binibigkas, o diba ang sarap?
Sa kasiyahan siya din ang kasama,
Hindi kaniya iiwan, ano man ang timpla,
Ng isang okasyon, basta’t andiyan lang siya.
Allelujiah! You’re the best…‘Kapamilya’!
Malamang hinuhusgahan niyo nako siguro?
Care ko? Bakit di naman ako humihingi ng sustento,
Kahit nga isang kusing ng pera mo,
Di ko pag-aaksayahan noh!
Basta ako nagsasabi lang ng totoo,
Na siya talaga ang ‘Star’ ng ating mundo.
O sige, patutunayan ko ha,
Kung may ‘Birthday’, walang pumunta?
O kahit sa munti mong ‘Despedida’?
Inuman sige nga!
Eh sa wala ka talagang handa?
Ano…gusto mo silang tumunganga!
Dehins mo ako naiintindihan pare!
Yung sarap na naidudulot niya grabe.
Ang laki talaga ng kanyang silbe,
Lalo na sa mga nagtitipid ang siste.
Haaay…tuwing ako ay bibisita pa nga sa iyo,
Di mo ako binibigo.
Sa iyo pa nga ako unang humihinto,
Minsan pa nga ay iniiwan si mister ko!
Bakit ba ganyan ang taglay mo di ko maintindihan?
Ano bang meron ka, at di kita maiwanan?
Makita lang kita, o anong saya aking nararanasan.
Saan man magpunta, mukhang ikaw ay aking sinusulyapan!
Kaya siguro di ka pinakilala ng aking mga magulang,
Dahil dulot mo daw ay di kagandahan sa aming katawan.
Paano nila nasabi yun? Di naman nila mapatunayan!
Mother know’s best! Yan ang kanilang pinangangalandakan.
O sya! Wala na akong magawa,
Kundi sumunod, pero hanggang kelan kaya?
Pag ako ay matanda na, tignan nyo lang, makakamtan ko din ang laya,
Dahil ako ay pasaway, walang bawal-bawal, kayo din magsa-sawa!
Nung ako ay lumaki, ayun! Ikaw ay naging parte nga ng aking buhay,
Iba’t ibang okasyon; iyong inatenan, wala ka talagang sablay.
Minsan nga mas madami ka pa, kesa sa mesang nakahaing mga gulay,
Walang pumapansin, paano daw walang kabuhay-buhay!
Isa ka nga bang masamang bisyo?
Pati mga musmos iyong naluloko?
Dulot mo ba ay perwisyo?
O ako lang di makuntento?
Hangad ko ay bultu-bulto,
Isa nga ba akong adik, ‘wag naman po!
Sige na nga, dahan-dahan na,
Masama ka daw kasi, yan ang sabi nila.
Paano kasi kung tirahin kita,
Parang walang bukas na matitira!
“I’m sorry” sabi ko,
Tao lamang kasi ako.
Na hindi maiwasan mapaliko,
Tumingin sa iyo at huminto.
Ayan na nga ba, perwisyo o!
Maglalabas ulit sa bulsa ko,
Nang perang pambili ng gusto,
Baka naglilihi kaya ako?
O miss…limang ‘ChiChiria’ pakilagay mo,
Sa plastic na di mapupuna laman nito.
Baka kasi mapansin ni mister ko,
Pagbawalan na naman po,
Ay…bago mawala sa ulo,
Miss, pakidagdag yung ‘Cheeze Tortillos’,
Yung malaki ha, pakibilis lang po.
O anong hinihintay nyo pa diyan…Upakan time!!!